Paano Kumita Sa Internet? part 6

1 comment:
This is my sixth post for this blog and I hope that you find it helpful.

Sana po ay nakakatulong po tong blog na ito sa inyo lalo na sa mg bloggers na gustong malaman how to make money online blogging or sa tagalog ay “Paano Kumita Ng Pera Sa Internet?

Maligayang pagdating po sa mga ngaun pa lang napadpad dito sa site na to.

Ang blog po na ito ay nagtatalakay ng mga paraan kung paano pagkakitaan ang internet especially ang blog. Opo. Kung ikaw ay may blog pero di mo alam kung papano ito pagkakitaan, magbasa lang po kayo dito. Kung kayo naman po ay talagang baguhan lang sa internet at di alam kung paano mag-setup ng blog eh lalaung mas maganda na basahin po ninyo ang mga nakasulat dito.

Lahat po ng information dito ay pawang walang bayad. In other words “LIBRE”. Pati po yung mga ituturo ko sa inyong paraan ay libre din. Hindi ko po kayo pasasalihin sa mga money making programs na gagastos kayo. Although diniscuss ko yung ilan sa mga un in my previous posts tulad ng mga PTC or Paid to Click Programs at iba pang make money online programs.

Mas gusto ko sana na mag-focus kayo sa blogging. Libre ang paggawa ng blog. Ang opportunity na kumita dito ay libre. Walang puhunan. Well, ang puhunan mo ay yung oras mo, lakas, (hindi naman masyadong madaming lakas), internet access, computer access, talento at imagination at ang pinakamahalaga- inspirasyon at pangarap. Dahil wala naman talagang bagay na zero cost. Somehow, you need to put effort pero wala po kayong ilalabas na pera dito.

So sa mga bagong dating dito, read my previous posts. Just navigate around this blog and you will find it somewhere at the right. Dyan po sa kanan. Ok? Okey…

EHERM!!! Excuse me po! Pasensya na sa mga friends at mga dati ng readers na nag-aabang nitong post na to.

Now, let’s continue with our making money online ventures.

Ang target natin ay ma-indexed ang blog sa mga Search engines tulad ng google at yahoo para magakaroon ng maraming visitors ang blog mo.

Kailangan mo gawin mga sumusunod na hakbang para masimulan ito.

Let us optimize the settings of your blog.

Una. Login to your blogger blog.

Click “settings”.

Click “formatting”.

Change “show” to “1 post on the main page”.

Sa “Show title fields” gawin mong “yes”.

Sa “show link fields” gawin mo din “yes”

Click “save settings”.

Next. Click “comments” tab.

Click “show” for “comments”

Sa “who can comment” click “anyone”.

Sa “comment form placement” click “full page”.

Sa “backlinks” click “show”.

Save Settings.

Yan. Simula na.

i-edit mo ngaun ung posts mo. Sa ilalim ng title ng post mo ay may space para sa link. Ilagay mo dun ung URL ng post mo na un. Copy mo mula sa browser mo tapos i-paste mo dun sa link field na un.

Gawin mo yan sa lahat ng posts mo.

Tapos…

Teka, masipag ka ba magsulat? At nag-e-enjoy ka ba sa pagbla-blog mo?

Tinatanong kita dahil kailangan na masipag ka at nag-e-enjoy ka sa blog mo. Dahil lilipas ang oras, araw, lingo panahon at walang resultang makikita. Talagang ganun. Ang blogging ay hindi po ‘get rich overnight’. Medyo matagal bago ma-index sa google at yahoo.

Sanbox.

Ayon sa mga beteranong mga blogger, ewan ko kung gaano ito katotoo ha, ang sandbox ay ung proseso ng google kung saan ang isang website ay parang naka-quarantine sa isang lugar nang ilang panahon bago i-index. Ganun din ang yahoo. Wala tayong magagawa sa sandbox na yan kaya maki-ride na lang tayo sa trip nila.

Ang kailangan mo gawin habang naghihintay na maindex ay mag-isip, magbasa, magsulat ng mga posts sa blog mo.

Syempre tandaan mo lang palagi ang rules tuwing magpo-post ka.

RULES

Use your keyword 24 times.
No less than 400 words per post.
Lagi ilagay ang keyword sa Blog Post Title.
Use your keyword in the first sentence.
i-bold ang keyword at least once.

Lagi mo lang tatandaan yang mga yan.

Next is “Backlinks”.

Ano ang backlinks?

Ang backlink ay ung mga mga link sa isang website papunta sa ibang website. Halimbawa, ang blog na ito ay may link sa blog ng friend ko. Ang tawag dun ay ‘backlink’.

Ano naman ang silbi nitong backlinks na to?


Dalawa ang nakikita kong pakinabang ng backlinks. Una , nakapagdye-generate ito ng traffic papunta sa blog mo. Syempre pag may nagklik sa link mo na nandun sa ibang website eh mapupunta sya sa blog mo di ba? Pangalawa, ang backlinks ay isa rin sa basehan ng mga search engines kung dapat ba nila i-index ang isang site or blog o hindi. Pag maraming site ang naka-link sa blog mo ay mamarkahan ka ng mga search engines na ‘important site’. Therefore ay ii-index ka nila. The more backlinks you have the more important your blog/site must be.


Bakit kailangan tong 'backlinks' na to?

Kailangan mo yan para ma-index ang blog mo sa first page ng search results ng mga search engines. At pag na-indexed na ang blog mo sa mga search engines tulad ng google at yahoo eh mas malamang na dadami na ang mga visitors/traffic ng blog mo. Dahil ang mga tao ay ginu-google at niya-yahoo ang mga bagay na hinahanap nila sa internet kailangan mo kumabit sa mga SE na yan. Gets ba?


Sa totoo lang ang labanan papunta sa first page ng mga search engines ay parang padamihan lang ng backlinks. Pero mahalagang factors din ang original and quality content at syempre ang age o edad ng isang blog. meaning ang matatandang blog ay nakakatanggap ng pag-galang at pagkilala mula sa mga SE.

May mga blog na bago lang pero nai-index kaagad sa mga SE. dahil un sa dami ng quality backlinks.

Teka, quality backlinks? Ibig sabihin may mga backlinks na wala wenta or low quality?

Sagot: “oo”.

Ung mga ‘quality backlinks’ ay ung mga link papunta sa blog mo galling sa ibang website na ang content ay may relevance o kaugnayan sa topic/content ng blog mo.

Halimbawa kung ang topic ng blog mo ay “gardening” tapos may link ang blog na un sa isang website na ang topic ay “how to raise hogs?” eh hindi un ikre-credit ng mga search engines na quality backlink. In other words, not counted. Hindi un masyado makakatulong sa blog mo para makarating sa first page ng SERPs pero makapagdye-generate pa rin naman un kahit papano kaya ok pa rin. Kaya awin mong pang araw-araw na gawain ang pagpo-promote ng blog mo sa mga social networking sites na meron ka, tulad ng friendster, myspace at kung anu-ano pa. At sa mga forums mgandang kuhaan ng backlinks ung mga un. Sali ka sa mga forums tapos lagi ka magpost dun tapos iwan mo ung link papunta sa blog mo.

Medyo mahirap tong backlinks na to ah.


Oo. lalo na kung ang kakumpetensya mo sa keyword/niche mo ay milyun-milyon. Check mo ung keyword mo kung gaano karami ang kakumpetensya. I-search mo sa google or yahoo.

Ano? Dami ba?

Dami no?

Haaay! Dami.

O pano na? Magbubuntong hininga ka na lang ba dyan? O sisimulan mo na ang paggawa ng una mong backlink at pagpro-promote ng blog mo?

Magsasawa ka ba agad at mawawalan ng gana? O Magsisimula ka?

Kaw ang bahala dyan.


Sa susunod kong ipo-post tatalakayin natin ung paggawa ng siguradong quality backlinks. Medyo nabitin lang po kasi tong post na to kasi naman po ay sobrang busssssssssssy ng buhay ko. haaaaay. Pag-paumanhin nyo po yan lang po muna sa ngayon.

Antabayanan nyo lang po ung next post ko dito sa Pera sa Internet.

Yehey!

Mingkoy




Paano Kumita Sa Internet? part 5

13 comments:
Sino gusto kumita ng pera sa interenet habang nagbla-blog? Magbasa lang po dito.

Pagpasensyahan nyo na po ang inyong tagalog blogger kung medyo matagal bago magpost.

Magandang Araw sa inyo mga readers!

Para sa mga dati ng sumusubaybay ng mga posts sa blog na to.. wait lang po ah. Itutuloy natin ung susunod nating lesoon mayamaya lang ng konti. Ung kung saan at pano ilagay ang adsense ads sa blog ninyo. I-we-welcome ko lang po sandali ung mga bagong readers natin dito. Sa mga ngaun pa lang napadpad dito sa site na ‘to... I recommend that you read my previous posts firsts. Para po maintindihan at masundan nyo ng maigi ung mga steps kung paano kumita ng pera sa internet sa pamamagitan ng blog Eto po ung link sa mga previous posts ko:

Paano kumita ng Pera sa Internet? Part1.

Paano kumita ng Pera sa Internet? Part 2

Part 3

Part 4

Yan. Ok. Basahin nyo po muna yan.

Ngaun naman mabalik ako sa mga sumusunod at sumusubayabay sa posts ko...

So, approved na ung Adsense mo?.

Kung “oo”. Ang sagot mo eh pwede ka na maglagay ng ads mo sa blog mo. At sa pamamagitan ng ads na ito ay maari ka nang kumita.

Sige. Go! Lagyan mo na ng Ads ung blog mo! Bilis!

Hehe. Biro lang po.

Alam ko naman na di mo pa alam kung pano eh.

Kaya nga ako nandito eh para sabihin sa iyo kung paano ilalagay ang adsense ads mo sa blog mo.

Inuulit ko. Libre po lahat ng impormasyon dito. Wala pong bayad.

Let’s do it.

Focus.

Una. Mag log-in ka sa blogger blog mo. Click mo ung “layout” tab.

Tapos. Makikita mo ung parang outline ng blog mo. may mga box na may mga nakasulat na “add a gadget” sa may kanan.. di ba?
Click mo ung word na un. Ung “Add a Gadget”. Then a small page will open. Yan ang “gadgets menu”. Scroll down and look for the “Adsense”. Click it. May lalabas na page na pinapapili ka kung “create an account” or “Sign in to an existing account” basta parang ganun un eh. Di ko matandaan ung exact na mga words. Click mo ung “sign in to an existing account” tapos panibagong page ulit na lalabas. You are required to enter the email address na ginamit mo dun sa Adsense application mo. At ung postal code na ginamit mo rin dun sa application mo sa google adsense. Sana lang di mo nakalimutan ung mga un ha.! Kung di mo nakalimutan, itype mo na ung email address mo at ung postal code mo.

Pagkatapos, click sign in.

Yan. Nandyan ka na ngayon sa configure adsense page. Under the word “format” ay merong dropdown menu. Click it and choose a format that you like. I suggest you choose “the 120 x 200 vertical button”

Next. Under the word “colors”, i-click mo ung dropdown menu and choose “blend template”. Sa lahat ng kulay na nandyan eh ung “blend template” na ung pinakamaganda at babagay sa background ng blog mo at yan ring blend template na yan ang may pinakamaraming clicks ayun sa mga professional blogger (mas professionals kesa sakin) pero syempre depende na rin yan sa topic ng blog mo kaya pwede mo piliin kahit na anong gusto mong kulay...

Scroll down and hit “save”.

Congrats! You have just installed your first Google ads! Click mo ung “view blog”.

Dapat mag-appear na yung ads jan... Kung wala pa ay malamang na-traffic lang un.

Ano? Nandyan na? Wala pa rin?!

Hala ka!.

Hinde. Ok lang yan. Nangyayari talaga yan pag first time mo naglagay ng ads. It will take up to 48 hours to appear. Pero minsan minutes lang nanjan na ung mga ads.

So don’t freak out ok.

Sya nga pala, BASAHIN MO TO: WAG NA WAG MONG I-KLI-CLICK ANG SARILI MONG ADS!. Because its against the terms of service ng Google. Ano mangyayari pag kinlick mo ung ads mo? YOUR ACCOUNT WILL BE TERMINATED!. At syempre pag terminated na ang account mo di ka na pwede maglagay ng google ads sa blog mo. At parang pinakawalan mo na rin ung isa sa pinaka magandang pagkakitaan ng pera sa internet. Alam ko na may mga nakakapandaya sa google dahil wala namang bagay at sistema na perpekto. Pero, mandadaya ka ba para kumita ng pera sa internet? Kung “hindi” ang sagot mo, ok tayo jan. At kung ang sagot mo naman ay: “Oo, mandadaya ako para kumita ng pera sa internet dahil ako ay isang kriminal at ang pag-gawa ng krimen ang ikinagagalak ng aking maitim na puso at halang na kaluluwa muwaha ha ha ha!.”, sige. Bahala ka. Pero winarningan na kita, mr. kriminal ha. Hehe. I warned you.

At kung ikaw naman ay isang mapaglarong hacker na malakas ang pananalig sa sariling kakayahan at super-computer-skills eh sana lang alam mo ang gagawin mo. Wag mo isiping mas magaling ka dun sa mga taong nasa likod ng “internet giant”- Google.

At kung nag-iisip ka pa rin ng paraan para dayain ang Google, basahin mo tong article na to tapos tsaka ka mag-isip ulit.>>>>> Do Not Cheat Google Adsense.

Hinga ng malalim at i-ta-tackle naman natin sa susunod kong post kung paano mo i-o-optimize at pagaganahin ng tama yang blog mo para maging searchable ng yahoo at google yang blog mo. Dahil pag naging searchable yung blog mo sa mga search engine tulad ng Yahoo! at Google ay mas dadami na ang makakaalam ng blog mo in other words magkakaroon ka na ng mga visitors or “traffic”. “Traffic” ang term ng mga website publishers sa “visitors”.

At tatalakayin din natin ung mga paraan para makakuha ng magandang “page rank” sa google. Teka ano ba ung page rank? Ang Page Rank ay ang ranking mo sa SERPs. Kung ang website or blog mo ay nasa first page ng SERPs, ang ibig sabihin nito ay maganda o mataas ang page rank mo.

Yan na po muna ngayon. Sakit po ulo ko eh. Hangover. Hehe.

Balik na lang po ulit kayo dito sa "Pera Sa Internet".

Yehey!

-Mingkoy